ANG KUWENTO SA LIKOD NG PAGTATAGUYOD NI MANG TONY AT ALING AIDA MASING SA KANILANG NEGOSYO
Ang kuwentong ito ay halaw mismo sa akin Nanay Aida noong panahon na ako ay bata pa lamang at nakaka-ugalian ko na ang umupo dati sa kanyang papag tuwing gabi at ikinuwento niya sa akin kung gaano kahirap ang amin buhay at dahil sa ako ang bunso sa mga magkakapatid ay hindi ko pa raw alam ang mga nangyayari noon. Nawa'y magustuhan ninyo ang payak na simula hanggang sa naging matatag ang negosyong pampamilya namin.
Saturday, August 29, 2015
MASING SPECIAL BIBINGKA AND PUTOBUNGBONG
Sa mga panahon na medyo nagiging maganda ng kaunti ang kanilang negosyong ihaw-ihaw. Kinuha si Aling Aida ng kanyang Hipag na si Tiya Teresita Balliad Masing na asawa ng nakaka-tandang kapatid ni Mang Tony na si Tiyo Roman Masing na maging assistant sa pagluluto at paggawa ng Bibingka at Putobungbong sa isang sikat na Hotel sa Makati noon ang MANILA INTER-CONTINENTAL HOTEL na matatagpuan sa Ayala, Makati noong 1984. Ito ay isang spesyal na kontratang trabaho lamang tuwing nalalapit na ang kapaskuhan sa atin kalendaryo. Doon na rin marahil natutunan ni Aling Aida ang tamang proseso ng pagluluto ng mga kakanin pilipino tuwing sasapit ang pasko. Taong 1986 sa hindi inaasahan pagkakataon ay sumakabilang buhay ang kanyang hipag na si Tiya Inday at sa taong din iyun ay may nagbukas ng pinto kay Aling Aida at pumunta sa kanilang tahanan ang isang staff ng hotel para kausapin at kuhain maging kapalit ng kanyang hipag sa naiwanang hanap buhay sa MANILA INTERCONTINENTAL HOTEL. At kahit hindi pa niya talaga masyadong alam ang pagtitimpla at pag-gawa ng Bibingka at Putobungbong ay bukas loob niya ito tinanggap ng walang alinlangan. Dahil sa kanyang pagtanggap ng trabaho na alok ng Hotel ay bumili siya ng mga sangkap sa pag-gawa ng Bibingka at Putobungbong para mag-sanay at tuklasin sa sarili ang sikreto ng tamang timpla ng Putobungbong lalo na ang Bibingka. Umabot sa tatlong (3) araw bago niya matuklasan ang tamang timpla at lasa ng Bibingka. Hanggang sa mag-umpisa na siya sa Hotel kasa-kasama ang panganay niyang anak na si Esther upang maging assistant at sa katagalan ay ang panglima na niya anak na si Evelyn ang kasa-kasama niya sa Hotel. Naglikod sila sa nasabing Hotel mula 1986 hanggang 1990 dahil ang Manager ng Food and Beverage noon na si G. Catoliko na siya may contact kay Aling Aida ay sumakabilang buhay na rin at bago na ang namamahala sa dati puwesto ni G. Catoliko kung kaya't iba na ang kinukuha nila tao para sa pagluluto ng Bibingka at Putobungbong. Ipinagpatuloy ni Aling Aida ang pagtitinda ng Bibingka at Putobungbong sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong na pangkabuhayan para sa kanyang pamangkin. Hanggang sa taong 2003 ay pinamahalaan na ito ng mag-kapatid na sina Esther at bunsong anak nila si Elmer para lamang punan at mapag-ipunan lamang ang gastusin sa mga kanilang mga inaanak kapag darating na ang araw ng kapaskuhan. Dito ay naisipan ni Ate Esther na mag-serve ng PUTOBUNGBONG na may KESO na isa sa mga SPECIALTY ng MANILA INTERCONTINENTAL HOTEL at hindi naman sa pagmamalaki ay ang MASING'S BIBINGKA & PUTOBUNGBONG ang KAUNA-UNAHANG naglabas ng ganitong INNOVATION pagdating sa usapang PUTOBUNGBONG sa Mandaluyong hanggang ito ay kumalat na rin sa buong Kamaynilaan. Dumating ang mga maraming pagkakataon at kinukuha ang negosyo ng pamilyang Masing sa mga istasyon ng TV mula sa mga malalaking network sa atin bansa gaya ng GMA-7 "UNANG HIRIT" at ABS-CBN-2 "UMAGANG KAY GANDA". May mga pagkakataon na rin na may mga Kababayan tayo na namimiss at natatakam sa pagkain nito ay ipinadala nila ang Masing's Bibingka at Putobungbong bilang Pasalubong sa mga Kababayan natin mga Bagong Bayani na nag-trabaho sa ibang bansa. Nakarating na ang amin produkto sa Qatar, United Arab Emirates, Japan, Australia at Amerika. Kaya sa mga ganitong nalalapit na naman ang pasko at papasok na ang "Ber" month ay muli kami maghahatid sa inyo ng pagkain na Pinoy na Pinoy sa panahon ng Kapaskuhan na World Class at First Class na kalidad at lasa sa presyong abot kaya lahat ng Masa.
Kaya ang MASING'S BARBECUE, BIBINGKA at PUTOBUNGBONG ay subok na sa panglasa ng mga MadaleƱo at karatig siyudad natin mula sa henerasyon ng isa pa henerasyon at sa hinaharap pa.
ANG KASAYSAYAN NG MASING BARBECUE
Ang Masing Barbecue, Bibingka at Putobungbong ay naitayo at naitatag ng mag-asawang G. Antonio Gonzaga Masing na tubong ipinanganak sa Hinunangan, Leyte at Gng. Aida Alfonso De Guia Masing na tubong ipinanganak naman sa Baliuag, Bulakan. Sila ay nabibiyayaan ng anim (6) na anak dalawang (2) anak na babae at apat (4) anak na lalake. Sa hirap ng buhay at para lamang maitaguyod ang pangangailangan ng kanilang pamilya ay kung anu-anong mga lutong pagkain ang itnitinda ni Aling Aida tulad ng Lugaw, Sopas, Misua at Champorado sa may kanto ng Paraiso Street habang nagtra-trabaho naman si Mang Tony bilang isang Mananahi sa isang pribadong kumpanya sa Makati. May pagkakataon din na nagtitinda ng lutong ulam si Aling Aida sa Makati na kung saan ay malapit lamang ito sa trabaho ni Mang Tony. Ito ay kanilang niluluto mula sa kanilang bahay sa Poblacion, Paraiso Street, Mandaluyong at ibinabiyahe nila ito hanggang sa Makati. May isang pangyayari na tumaob ang kanilang kaldero na may panindang ulam na sinigang na baboy sa loob ng isang bus habang sila ay nagbibiyahe. Ngunit patuloy pa rin ang kanilang pagsusumikap para lamang maitaguyod ang kanilang sariling pamilya. Kahit kailan man ay hindi sila nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit ng tulong mula sa ibang kamag-anak bagkus ay patuloy sila sa paghanap buhay ng mga lutong pagkain ng kung anu-ano sa mga banketa at kung saan saan pa.
Napag-isipan ng mag-asawa na mag-tinda ng ihaw ihaw sa may Boni, Patio ng San Felipe Neri at ang huli ay sa kanto ng Paraiso. Ngunit tila hindi pa rin sila pinapalad at nagkaroon pa ng pagkaka-utang sa Bumbay sa halagang P2,000 noong mga panahon na iyon. At dahil sa ganun situasyon ay nagpag-desisyunan nilang mag-asawa na magpakalayo-layo at manirahan sa bayan ng San Jose sa Batangas para matakasan pasamantala ang kanilang problemang pinansyal sa pagkakautang. Doon ay naglakas loob sila mangupahan ng isang maliit na kubo at manirahan sa bayan ng San Jose, Batangas na walang kakilalang kaibigan o kamag-anak. Si Mang Tony ay namasukan na lamang muli sa Makati at tuwing araw lamang ng pahinga ito kung umuwi ng Batangas at si Aling Aida naman ay nasa bahay lamang para maalagaan ang mga anak. Mas lalong hirap ang kanilang buhay sa Batangas at walang anumang hanap buhay na maaring gawin para makatulong para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay at pangangailangan.
Kung kaya't napag-desisyunan nila na manumbalik sa Mandaluyong at mag-simula muli ng buhay at harapin ang mga problemang kanilang naiwanan. Nag-umpisa muli sila ng negosyong ihaw-ihaw sa kaunti nila salapi naitatabi at ilang paninda sa pasimula ng mga Ulo ng Manok, Paa ng Manok, Bituka ng Manok at Dugo ng Baboy. Sa mga nakalipas ng mga araw ay unti-unting dumarami ang kanilang mga parokyano at lumalakas ang kanilang paninda at kita. Kung kaya't nagdadagdag sila ng mga iba pa inihaw na produkto gaya ng Isaw ng Baboy at Barbecue. Habang lumalakas ang kanilang negosyo ay unti-unti naman nila binabayaran ang kanilang pagkakautang sa Bumbay hanggang sa ito ay kanilang mabayaran ng lubusan. Nagtulong-tulong ang lahat ng kanyang mga anak sa pagpapa-takbo, pagtitinda at pagtataguyod ng negosyo ng pamilya. Dito na rin kinukuha ng mag-asawa ang gastusin sa mga pag-papaaral ng kanilang mga anak mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Unting-unti na nila nararanasan ang kaginhawaan at naisasaayos ang buhay ng kanilang pamilya sa awa ng Diyos. Sa isang hindi inaasahan pagkakataon ay may tiyahin na nakatira sa Paraiso ang isang segment produsyer ng programa noon ni Kris Aquino sa istasyon ng ABS-CBN ang "TODAY WITH KRIS AQUINO" at kami ay naimbitahan na maging panauhin sa LIVE show sa CHANNEL 2 studio noong 1996 na ang topic ay 'ONLI IN THE PHILIPPINES" na kung saan ay napag-usapan dito ang mga pagkain na bukod tangi lamang sa atin Bansa matatagpuan kahalintulad ng Mga inihaw na Bituka ng Baboy, Isaw ng Manok, Isaw ng Baboy, Balot at kung anu-ano pa. Dahil dito ay lalo naging mainit at lumakas at nakilala ang negosyong Ihaw ihaw ng pamilya Masing sa Mandaluyong hanggang sa mga panahon na ito.
Dumaan din sa mga pagsubok ang buong pamilya. Noong Abril 8, 1999 habang abala ang lahat na naiwan lamang ay ang mga anak niya mga babae na si Esther at Evelyn (Habang ang mga anak naman niya mga lalake ay nasa kanya-kanyang trabaho at lakad) ng hapon ay may sunog na nagaganap mismo sa tabi ng lumang bahay ng mga Masing at wala na rin nagawa ang buong pamilya kung hindi ang maisalba na lamang ang kanilang kayang dalhin at tuluyan natupok ang kanilang tahanan. Halos hindi na rin mapapkinabangan pa ang mga paninda at mga kagamitan sa bahay. Kung kaya't tila nag-umpisa ang pamilya sa wala. Ilang araw din hindi nakapag-hanapbuhay dahil sa mga tambak ng basura na nagmula sa mga nasunugan mga bahay. Ilang araw din nanuluyan ang buong pamilya sa isang gymnasium ng eskwelahang ng Elementarya ng Mandaluyong. Isang pagsubok na kailan man ay nakaulkit na sa alaala ng pamilyang Masing.
Dahil subok na rin sa hirap sa buhay ay muling nag-simula na maitaguyod ang naabong mga pangarap at nagpumilit na tumayo muli ang kabuhayan ng pamilya. Naipagawa kaagad nila ang kanilang tahanan na isang bungalow at unti-unting inaayos ang kanilang kabuhayan at nag-umpisa muli na maitaguyod ang kabuhayan. At lumipas ang mga buwan ay naging maayos na muli ang kanilang kabuhayan na ihaw-ihaw at unti-unting bumabangon sa pagka-lugi dahil sa nangyari sunog sa kanilang lugar.
Sa nakalipas na 3 buwan na pagkakasunog ng kanilang tahanan ay may isang pagsubok muli ang dumating sa buong pamilya at ito ang paglala ng sugat ni Aling Aida sa kaliwang binti dahil sa sakit na Diabetes. May gamot na iniinom si Aling Aida na pang-maintain para bumaba ang sugar level ng kaniyang dugo ngunit marahil na rin sa trahedyang dumaan sa kanilang buhay ay kanyang isinantabi ang sarili at napabayaan uminom ng kanyang gamot, nawalan ng control sa pagkain, depression at iba pa. Umaabot pa sa punto na siya na mismo ang nagsabi dalhin siya sa espesyalista na doctor ngunit siya aypinayuhan dalhin sa orthopedic hospital (Hospital na may kinalaman sa Buto) noong Hulyo 17, 1999 at doon ay kinakailangan siya putulan ng binti sa lalong madaling panahon dahil umaabot na ang bacteria ng sugat niya sa pinaka-buto ng binti niya. Napag-desisyunan ng buong Pamilya na isailalim siya sa operasyon upang maisalba ang buhay ni Aling Aida sa abot na makakaya ng buong pamilya.
Naisakatuparan na ang operasyon at inilipat na siya sa Ward para magpagaling. Ngunit kinausap at tinapat na rin ng doctoc na kumalat na ang bacteria o nana sa kanyang singit at hindi gurantiya na muli siya operahan para maalis ang bulok sa kanyang sugat. Halos lumalaban pa si Aling Aida at tinatanong ang kanyang mga anak kung sino ang magbubuhat sa kanya kung sakaling sila ay uuwi na sa kanilang bahay. Napanghinaan na rin siya ng loob ng kanyang pilit inaabot ang kaliwang binti na noon ay wala na. At sa kinaumagahan ng Hulyo 20, 1999 ay naabutan na lang ni Elmer ang kanyang Kuya Edward na umiiyak sa isang tabi ng hospital at sinabing naghihingalo at nire-revive na si Aling Aida sa kanyang kama sa Ward. Ilang beses na pilit sinasagip ng mga doctor ang buhay ni Aling Aida hanggang sa ito ay tuluyan na nawalan ng buhay dahil sa komplikasyon at atake sa puso ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Nabalot ng kalungkutan ang buong Pamilya dahil sa pagpanaw ng kanilang Ilaw ng tahanan. Isa sa pinaka-masakit na pangyayari sa buong buhay ng mga Pamilya Masing. May mga pangyayari sa buhay na kinakailangan natin yakapin at tanggapin para na rin sa pagtawid sa bagong mundo kanyang pupuntahan.
Pagkatapos ng pighati ay ipinagpatuloy ng Pamilya ang mabuhay na kulang at wala na ang kanilang Nanay. Muli ay naging matatag at naitaguyod na nila muli ang kanilang kabuhayan sa pagtitinda ng ihaw-ihaw at unti-unting bumabangon sa sunod-sunod na mga trahedyang dumating sa kanilang buhay.
Hanggang sa dumating ang taong 2003 na mahirang si Bayani Fernando bilang Chairman ng MMDA sa ilalim ng panunungkulan ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na ang kanyang layunin ay linisin ang buong Kamaynilaan sa pagpapaalis ng mga negosyanteng nagtitinda sa mga bangketa. Hindi naman kami maaring tumigil sa pagtitinda ng Ihaw-Ihaw at ito na ang pangunahing pinagkukuhaan ng kita para sa lahat ng gastusin sa pagpapaaral ng mga pamangkin, pagkain at atbp. Kaya ipinagawa ng Pamilya ang kanilang harapan ng bahay para maging tindahan ng Ihaw-Ihaw sa loob ng Paraiso Street. Nagpagawa rin ng Chimney upang doon lumabas ang usok mula sa pag-iihaw. Sumabay pa ang sakit na nagmula sa baboy ang FMD (Foot and Mouth Disease) kung kaya tila bumagsak muli ang kanilang kabuhayan at ang mga regular na customer ay inakala na hindi na nagtitinda ng mga ihaw-ihaw ang pamilya at may mga kapitbahay na mababait na hindi itinuturo ang bagong lokasyon ng tindahan ng pamilya Masing.
Tumagal din ng halos anim (6) na buwan ko malaman ng iba namin customer ang bago nila puwesto sa hanap buhay at sa awa naman ng Diyos ay muling naging masigla at nabuhay ang takbo ng kanilang hanapbuhay hanggang sa ngayon. Dumating din sa punto na binuhay nila muli ang pagtitinda ng Bibingka at Putobungbong tuwing sasapit ang "Ber" month ng magkapatid na Esther at Elmer na inilalabas nila ito sa kanto ng Paraiso (Dati puwesto ng kanilang Ihaw-ihaw) tuwing sasapit ang alas singko (5) ng hapon hanggang alas dose (12) ng hating gabi.
Sa dami ng mga pagsubok na dumaan sa pamilya Masing ay tila hindi sila natitinag bagkus ay patuloy pa rin ang takbo ng kanilang buhay dahii ang payak at makulay na kuwento sa pag-uumpisa nila ng kanilang hanap buhay ay magiging saling lahi na rin ng mga susunod na mga henerasyon ng Pamilya.

Subscribe to:
Comments (Atom)